Higit 1,000 biktima ng human trafficking, nakabalik na sa kanilang pamilya

Higit 1,000 biktima ng human trafficking, nakabalik na sa kanilang pamilya

NASA higit isanlibo at limandaang biktima ng human trafficking ang nakauwi na sa kani-kanilang pamilya sa nakalipas na taon.

Ayon kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) spokesperson Asec. Irene Dumlao, nakatanggap ng interventions at assistance mula sa ahensya ang naturang mga victim survivor upang matiyak ang kanilang kalagayan partikular na sa kanilang psychosocial, social at economic needs.

Kabilang aniya sa mga serbisyo ng Recovery and Reintegration Program for Trafficked Persons (RRPTP) ng DSWD ang case management kung saan sinusuri kung anong tulong ang maaaring ibigay sa isang biktima.

Bukod sa tulong pinansyal, edukasyon at medical assistance, tutulong din ang ahensya na mabigyan sila ng hanapbuhay sa pamamagitan ng pagbibigay ng referral sa trabaho o business partners kung kinakailangan.

Dagdag pa ni Dumlao, magbibigay din ang DSWD ng pagsasanay, auxiliary services para sa mga biktima at mga witness na may nagpapatuloy na kaso, at temporary shelter sa pamamagitan ng center at residential care facilities ng ahensya.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble