Higit 100K bagong plaka, dumating na; Problema sa backlog, matutugunan na—DOTr

Higit 100K bagong plaka, dumating na; Problema sa backlog, matutugunan na—DOTr

ININSPEKSIYON ni Transportation Secretary Jaime Bautista ang planta kung saan ginagawa ang plaka ng mga motorista sa loob ng tanggapan ng Land Transportation Office (LTO) sa Quezon City.

Kasabay ng inspeksiyon ng kalihim ay ang pagdating ng unang batch ng metal plates.

Sinaksihan mismo ni Sec. Bautista at LTO OIC Asec. Hector Villacorta ang pagdating ng higit 100,000 na motor vehicle na bahagi ng P3.8-B procurement ng ahensiya.

Dahil bukod sa pagtugon sa kakulangan sa suplay ng license cards ay tuluy-tuloy na ring tinutugunan ng LTO ang backlog sa plaka.

Sa datos ng ahensiya, nasa tatlong milyon pa ang backlog pagdating sa motorcycle plates.

Positibo naman ang Transportation Secretary na kayang-kayang maresolba ang backlog sa plaka bago matapos ang taon.

Inaasahan naman ng DOTr na aabot sa 500,000 plaka ang maide-deliver na ng supplier sa unang linggo ng Agosto.

At makumpleto ang kabuuang 16 milyong plaka sa loob ng 20 buwan.

Tiniyak din ni Bautista na sisikapin nilang matugunan na ang backlog sa plaka ng mga motorista bago matapos ang taong ito.

Target na maisyu sa Setyembre ang lahat ng pending license ng mga motorista

Samantala, sa usapin naman ng lisensiya, tinatarget ng DOTr na maisyu na sa mga motorista ang pending license.

Sinabi ng kalihim, target itong simulan sa buwan ng Setyembre kung saan kumpleto nang darating ang plastic cards na pinocure ng ahensiya.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter