UMAKYAT sa 11,013 Filipino nurses ang kumuha ng US licensure exam sa unang kwarter lamang ng 2023.
Ayon kay Quezon City Rep. Marvin Rillo, naitala ang bilang mula Enero hanggang Marso ngayong taon.
Saad ng mambabatas na vice chairman ng House Committee on Technical Education, ang mataas na bilang ng mga kumuha ng pagsusulit ay katumbas ng 200% na surge kumpara sa mahigit 3,000 nurse na kumuha nito sa buong taon ng 2022.
Kaya nanawagan si Rillo sa mga kasamahan nito sa Kongreso na gumawa ng interventions para itaas ang base pay ng mga nars para hindi na mangibang bansa ang mga ito.
Sa ngayon, pending sa Kamara ang House Bill 5276 ni Rillo na layon itaas sa P63,997 ang base pay ng mga nars sa bansa mula sa kasalukuyang P36,619.
Nauna nang nagbabala ang World Health Organization na kung walang gagawing aksiyon ang pamahalaan, magkakaroon ng 4.6 million shortfall ng nurses sa buong mundo sa taong 2030.