Higit 15% ng mga kumpanya sa Japan, planong kumuha ng mas maraming university graduates sa 2024

Higit 15% ng mga kumpanya sa Japan, planong kumuha ng mas maraming university graduates sa 2024

LUMABAS sa bagong survey sa Japan na higit 15% ng mga Japanese firm ang nagpaplano na mag-hire ng mas maraming university graduates sa taong 2024.

Ayon pa rito, higit 3% lamang ng mga kumpanyang ito ang kinukunsidera ang hindi pagluha sa mga estudyante na nakatakdang magtapos sa 2024.

Ang datos na ito na isinagawa ng recruit works institute ay nagpapakita ng mas mataas na bilang ng kukuhaning empleyado ng mga kumpanya mula sa mga unibersidad kumpara noong nakaraang taon.

Ayon sa ulat, ilan sa mga kumpanya ang nahihirapan na manguha ng mga bagong empleyado gaya ng plano nito sa gitna ng mga kompetisyon.

Ang survey ay isinagawa sa higit 7k pribadong kumpanya na mayroong lima o higit pang empleyado sa bansa.

Dito sa Japan, ang academic year ay nagsisimula tuwing buwan ng Abril kaya karamihan ng mga kumpanya ay kumukuha ng mga bagong nagtapos sa mga unibersidad isang taon bago pa ang graduation rites nito sa buwan ng Marso.

Follow SMNI NEWS in Twitter