Higit 15,000 PDLs, napalaya para ma-decongest ang BJMP jail facilities

Higit 15,000 PDLs, napalaya para ma-decongest ang BJMP jail facilities

UMABOT na sa mahigit 15,000 qualified persons deprived of liberty (PDLs) ang napalaya na sa mga BJMP jail facility mula Marso 17 hanggang Hunyo 22 bilang bahagi ng decongestion program ng pamahalaan sa gitna ng COVID-19 pandemic.

 

Ayon sa Department of the Interior and Local Government (DILG), mula sa kabuuang 15,322 released PDLs, 5,910 dito ang mula sa NCR; 1,557 mula CALABARZON; 1, 487 mula Central Visayas at 1,041 mula Central Luzon.

 

Nasa 897 naman ang mula sa Zamboanga Peninsula; 762 mula Northern Mindanao at ang iba ay mula sa ibang rehiyon.

 

Sinabi ni DILG Secretary Eduardo Año na ang paglaya ng libo-libong PDLs ay patunayan na hindi sila nakakaligtaan at napapabayaan at patunay na gumagana pa rin ang justice system sa bansa kahit na may pandemya.

 

Aniya, karamihan sa mga PDLs ay napalaya sa pamamagitan ng authority of the courts at ang ilan ay pinalaya batay sa bagong guidelines na inisyu ng Supreme Court dahil sa COVID-19 pandemic.

 

Hanggang ngayong araw, Hulyo 2, sinabi ng DILG na 549 sa 783 confirmed cases sa mga PDLs at 90 sa 135 cases sa mga BJMP personnel ang nakarekober na sa COVID-19.

 

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.