Higit 187,000 pulis, ipakakalat sa pagsisimula ng campaign period bukas

Higit 187,000 pulis, ipakakalat sa pagsisimula ng campaign period bukas

NAKA-alerto ang Philippine National Police (PNP) sa pagsisimula ng campaign period bukas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Sa pulong balitaan sa Camp Crame, sinabi ni PNP Public Information Office chief Police Colonel Jean Fajardo na mahigit 187,000 pulis ang ipakakalat nila sa buong bansa sa pagsisimula ng campaign period.

Ayon kay Fajardo, mahigpit na babantayan ng mga pulis ang lugar kung saan idadaos ang campaign sorties upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan.

Gayundin ang pagsasagawa ng checkpoint operations upang istriktong maipatupad ang election gun ban at money ban kontra vote-buying.

Maliban sa seguridad, iuulat din ng pulisya sa Commission on Elections (COMELEC) ang mga posibleng election violation ng mga kandidato lalo na ang campaign posters na wala sa tamang lugar.

Follow SMNI NEWS on Twitter