NAKAHANDA na ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) upang matiyak na maging maayos ang pagdadaos ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Ayon sa ahensiya, nagtalaga sila ng 1,133 personnel para gabayan ang mga motorista sa re-routing scheme na ipatutupad sa kahabaan ng Commonwealth Avenue sa Quezon.
Ayon kay MMDA OIC Dir. Baltazar Melgar, ang mga assigned personnel na kinabibilangan ng traffic enforcers, Road Emergency Group personnel, Motorcycle Patrol Units, at Sidewalk Clearing Operations Group ay idedeploy sa kahabaan ng Commonwealth Avenue patungong Batasang Pambansa Complex.
“Personnel assigned are tasked to manage both vehicular and pedestrian traffic; emergency response; clearing operations; assist in crowd control; and support the operations of the Task Force SONA 2022, Philippine National Police, National Capital Region Police Office, Quezon City Police District, Presidential Security Group, and Quezon City government to ensure a peaceful and orderly SONA,” pahayag ni Melgar.
Dagdag ng ahensiya magde-deploy rin sila ng mga ambulansya, tow trucks, fire trucks, mobile patrol units at motorcycle units.
Magtatalaga rin ang MMDA sa araw ng SONA ng zipper lane o counter flow sa southbound portion ng Commonwealth Avenue upang magbigay–daan sa mga sasakyan ng mga government official at bisita papunta sa Batasang Pambansa Complex.
Samantala, upang maiwasan ang mabigat na daloy ng trapiko, inabisuhan ang mga motorista na daanan ang mga alternatibong ruta ng MMDA para sa kauna–unahang SONA ni PBBM.
Para sa mga patungong northbound (Quezon Memorial Circle to Fairview), maaring daan ng mga motorista mula sa Elliptical Road ang North Avenue, kumanan sa Mindanao Avenue kumanan muli sa Sauyo Road o Quirino Highway, patungong Commonwealth Avenue hanggang makarating sa destinasyon.
Para sa mga patungong southbound (Fairview to Quezon Memorial Circle) inaabisuhan ang mga motorista na mula sa Commonwealth Avenue tahakin ang Sauyo Road o Quirino Highway, kumaliwa sa Mindanao Avenue, at kumaliwa muli sa North Avenue patungo sa destinasyon.
Para naman sa mga light vehicles na patungong northbound (Quezon Memorial Circle to Fairview via Marikina)
- Mula sa Elliptical Road (QMC) maaring kumanan sa Maharlika St., kumaliwa sa Mayaman St., kumanan sa Maginhawa St., kumaliwa sa C.P. Garcia Avenue, kumanan sa Katipunan Ave., kumaliwa sa A. Bonifacio Ave., at dumiretso sa Gen. Luna Ave., kumanan sa Kambal Rd., kumaliwa sa GSIS Road, at muling kumaliwa sa Jones St., kumanan sa Gen. Luna Ave., dumiretso sa A. Mabini St., kumaliwa sa Rodriguez Highway, muling kumaliwa sa Payatas Road patungo sa destinasyon.
Maaari ding tahakin ng mga light vehicles mula sa C5 Road ang nasabing ruta.