Higit 2.4M indibidwal, apektado ng Bagyong Egay—NDRRMC

Higit 2.4M indibidwal, apektado ng Bagyong Egay—NDRRMC

UMAKYAT na sa 668,974 pamilya o 2,452,738 indibidwal ang mga naapektuhan matapos ang pananalasa ng Bagyong Egay.

Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nagmula ang mga apektadong residente sa 4,164 barangay sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region.

Gayundin sa Western Visayas, Northern Mindanao, Davao Region, SOCCSKSARGEN, Bangsamoro Autonomous Region, Cordillera Administrative Region (CAR) at National Capital Region (NCR).

Pansamantalang sumisilong ang 13,718 pamilya o 50,467 indibidwal sa 736 evacuation centers.

Samantala, nananatili sa 25 ang naiulat na nasawi habang 52 ang naiulat na nasaktan at 13 ang naiulat na nawawala.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble