Higit 20 katao nasawi dahil sa sunud-sunod na bagyo at Habagat—NDRRMC

Higit 20 katao nasawi dahil sa sunud-sunod na bagyo at Habagat—NDRRMC

SA loob ng isang linggo, tatlong magkakasunod na bagyo ang dumaan sa Philippine Area of Responsibility (PAR).

Dahil dito, naghatid ito ng malakas na hangin at nagdulot ng mga malalakas na pag-ulan sa iba’t ibang parte ng bansa.

Maliban dito, pinalakas din ng Bagyong Ferdie, Gener, at Helen ang southwest monsoon o hanging Habagat na sanhi ng mga pagbaha.

Base sa tala ng National Disaster Risk and Management Council (NDRRMC) as of September 19, 2024 8:00 AM araw ng Huwebes, umabot sa halos 300-K pamilya o katumbas ng nasa mahigit isang milyong indibidwal ang apektado dulot ng masungit na panahon.

Kaugnay rito, nasa mahigit 18,000 pamilya o katumbas ng nasa halos 70,000 indibidwal ang pansamantalang sumisilong sa mahigit 600 evacuation centers.

Sa nasabing bilang pinakamaraming tinamaan ang lugar ng Region 6 na kung saan umabot sa mahigit 600 barangay ang lubhang naapektuhan ng sama ng panahon.

Sinundan ng MIMAROPA – 163, BARMM – 143, Region 5 – 135, Region 7 – 123, Region 3 – 116, Region 10 – 50, Region 12 – 33, Region 2 – 24, CAR – 11, Region 11 – 3 at

Caraga – 2.

Sa kabuuan umabot sa mahigit 1,000 barangay ang naitalang apektado ng nga nagdaang bagyo.

Naitala naman ng NDRRMC ang 23 nasawi, 13 injured o sugatan at 15 ang nawawala ngunit ang mga nasabing bilang ay for validation pa at patuloy pa itong bineberipika.

Kasunod nito, umabot sa 25 biyahe ng barko sa MIMAROPA ang kanselado ang operasyon, Region 7 – 8, Region 10 – 4, Caraga – 2, at isang pantalan sa Region 1 – 1.

Sa kabuuan, umabot sa 40 pantalan ang non-operational ngunit sa nasabing bilang, 9 na pantalan na ang pinahintulutan na makabalik sa operasyon.

Umabot naman sa mahigit 1,000 pasahero ang na-stranded dulot ng bagyo at Habagat. Pinakamarami sa Caraga na kung saan umabot sa mahigit 1,000 ang na-stranded sumunod ang Region 6 at Region 9.

Samantala, kaugnay rito nakaantabay na ang ibang unit ng Philippine Army sakaling kinakailangan ang kanilang tulong.

Sa panayam ng SMNI News kay Col. Louie Dema-ala, tagapagsalita ng Philippine Army sinabi nito na laging nakahanda ang kanilang reserve force na umalalay sa ating mga kababayan sa tuwing may sakuna.

“We are ensuring ‘yung ating reserve force and even the regular force is always ready pagdating dito sa HADR or eventualities kumbaga madali nating tawagin madali natin i-organize, i-consolidate ang ating forces ‘pag kinakaikangan,” pahayag ni Col. Louie Dema-ala, Spokesperson, PA.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble