NAGKALOOB ang National Housing Authority (NHA) ng pabahay sa 216 na pamilyang nawalan ng tirahan sa isang waterways sa Orion, Bataan kamakailan.
Ito ay matapos 2 lugar sa Orion, Bataan ang nasunog na binubuo ng 6 na 3-storey, low-rise buildings na may 36 units bawat gusali.
Binigyang-diin ni NHA General Manager Joeben Tai, dapat lamang tiyaking nabibigyan ng importansya ang mga ito lalo na sa panahon ng sakuna.
Ang pabahay na ipinagkaloob ng ahensya ay may kaugnayan na rin sa direktiba ng Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na matugunan ang 6 na milyong kakulangan sa pabahay ng bansa.
Pagtitiyak ng NHA, ang tuluy-tuloy na konstruksyon ng 1.3 milyong pabahay para sa mga informal settler families bilang tugon na rin sa tumataas na pangangailangan sa pabahay ng bansa.