Higit 200 PDLs nabigyan na ng kalayaan

Higit 200 PDLs nabigyan na ng kalayaan

NASA kabuoang 234 na mga person deprived of liberty (PDLs) ang nabigyan na ng kalayaan ngayong araw Nobyembre 24, 2022.

Sa bilang na nabanggit, 128 dito ay mula sa New Bilibid Prison (NBP).

Ang culminating activity ay pinangunahan ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na isinagawa sa NBP sa lungsod ng Muntinlupa.

Kasama rin sa isinagawang seremonya sa paglaya ng mga PDL na nakapagtapos ng kanilang hatol ay sina BuCor chief Gen. Gregorio Catapang at Atty. Persida Acosta ng Public Attorney’s Office.

Ayon kay Sec. Remulla, una nang sinabi nito sa UN na target magpalaya ang bansa ng PDLs ng 5,000 sa Hunyo sa susunod na taon.

Follow SMNI NEWS in Twitter