BINURA ng Commission on Election (COMELEC) ang 25,440 na registered voters sa bansa.
Ito’y dahil sa na-double o multiple registration.
Ayon sa COMELEC, nasa 12,987 ang na-doble base sa Automated Fingerprint Identification System (AFIS).
12,274 naman ang botante na lumipat sa ibang lugar.
Habang halos 170 naman ang nasawi na base sa tala ng Local Civil Registrars.
Siyam ang may multiple records at dalawa ang bigong makaboto sa magkasunod na regular elections.
Muli namang lilinisin ng Komisyon ang COMELEC record sa susunod na buwan upang matiyak na wala nang na-doble o multiple record.