UMABOT ng higit sa 3,000 mga mahihirap na pamilya mula sa mga barangay ng Malate at dalawa sa Tondo ang nakatanggap ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) NCR, para sa mga nasunugan, gumuho ang bahay, bed-ridden, educational, and medical, funeral, at iba pang support services.
Ang pamamahagi ng financial assistance ay pinangunahan ni Sen. Francis Tolentino.
Partikular sa mga nabiyayaan ng ayuda ay mga residente ng Brgy. 775, Brgy. 20, at Brgy. 105.
Sa pamamagitan aniya nito ay masisimulan ng mga mahihirap na pamilyang Pilipino na maibangon ang antas ng kanilang pamumuhay.
Sinabi pa ni Tolentino na isa rin itong paraan para maramdaman ng bawat pamilyang Pilipino na handang umalalay ang gobyerno at may mga programa na ipinapatupad para sa kanilang kapakanan.