Higit 300 OFWs mula Lebanon, inaasahang uuwi sa Pilipinas

Higit 300 OFWs mula Lebanon, inaasahang uuwi sa Pilipinas

SA harap ng patuloy na sagupaan sa pagitan ng Israeli forces at Hezbollah, umabot na sa kabuuang 935 Overseas Filipino Workers (OFWs) at 47 dependents ang napauwi na ng ating pamahalaan simula pa noong Oktubre 2023.

Ayon sa DMW, sa Nobyembre 8, 9, at 30, aabot sa kabuuang 120 ang makakauwing mga Pinoy mula Lebanon.

“November 8 may arrival tayo, it’s 6:25 AM on November 9, another group of 50, 45 plus 5 also on 6:25 AM. May hinihintay pa tayo but still we’re giving numbers. Mayroon sa November 30 na bente,wika ni Usec. Felicidad Bay, DMW.

Sinabi naman ni Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac na mayroong 166 na mga Pinoy ang nasa shelter, kabilang ang mga ito sa 214 na nakapending o mga nag-aantay ng kanilang exit clearance.

“We continue to render shelter on the ground as I understand it.

“There are around 214 still pending for Lebanon, still pending with Lebanese immigration,saad ni Sec. Hans Leo Cacdac, DMW.

Sa kabila ng repatriation efforts, sinabi ni Cacdac na mahalaga pa ring malaman na wala pa ring Pilipinong nasaktan o nasawi sa tumitinding tensiyon sa Lebanon.

Samantala, bukod sa Lebanon, patuloy na naka-monitor ang DMW sa repatriation program na iniaalok sa mga Pinoy na nasa bansang Israel.

Sa ngayon, nasa kabuuang 972 OFWs at 28 dependents na ang boluntaryong umuwi sa bansa simula nang sumiklab ang Digmaang Israel–Hamas noong Oktubre 2023. Sabi pa rin ng DMW, inaasahan pa ang dagdag na bilang ng mga Pilipino mula Israel sa Pilipinas.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble