Higit 3,000 OFW, nakaboto sa unang araw ng overseas voting sa Hong Kong

Higit 3,000 OFW, nakaboto sa unang araw ng overseas voting sa Hong Kong

MAHIGIT sa 3,000 overseas Filipino worker (OFWs) na mga botante ang nakaboto sa unang araw na overseas voting sa Hong Kong.

Ayon sa Konsulado ng Pilipinas, umabot sa 3,285 na mga balota ang naitala kahapon sa unang araw ng eleksyon sa Hong Kong at 98% rito ay mga kababaihan.

Nakapanayam ng SMNI Hong Kong ang Konsul General ng Pilipinas sa lungsod na si Rally Tejada kahapon.  Aniya masaya siya at ipinagmamalaki nya ang mga Pilipino sa siyudad.

“I’m very happy po noh. That the people want to vote and very enthusiastic to vote and ah I’m very proud to the Filipino community here,” ayon kay Tejada.

Sa unang araw ng halalan, naitalang nasa 3,285 na mga balota ang nakapasok sa voting machine kahapon, tatlo sa mga ito ang hindi tinanggap dahil sa unnecessary markings at hindi inaasahang sira sa balota.

Ilan naman sa mga Pilipino ang nagpahayag ng kanilang mga personal na karanasan matapos nilang makaboto. Anila, sa kabila ng mahabang pila, delay dahil sa paghahanap ng mga pangalan, pag-prioritize sa mga senior citizen at   kakulangan ng VCM, naging maayos naman at mapayapa ang daloy ng kanilang pagboto.

‘’Okay smooth ah pagka, kami na iyong magpapasok ng balota, tapos ibibigay nila sa amin ang resibo tapos e checheck namin, tapos kami na rin ang magtutupi, kami ang magpapasok,” ayon sa isang OFW.

“Medyo mahina yung proseso dun sa taas, sa mga 400, 500 go go go sa rank na nasa number ng 401, 402 medyo mahina kasi yung mga pangalan hinahanap tapos inuuna ang mga senior citizen,” paliwanag ng isang OFW Sara supporter.

” Although po mahaba po yung pila pero I think given the population, we have to add more VCM etc. But generally it’s peaceful one,” saad naman ng isang lalaking OFW.

Hindi alintana ang matinding sikat ng araw, tiniis ng mga Pilipinong botante ang mahabang pila magampanan lamang ng mga ito ang kanilang karapatan bumoto bilang mamamayan ng Pilipinas.

Marami rin sa kanila ang nagpalipas na lamang sa mga parke, bitbit ang mga pagkain habang nag-aantay na makapasok sa voting station.

Sa kabuuan, naging mapayapa ang unang araw ng pagboto sa Hong Kong dahil  walang technical issue na naitala sa vote counting machines (VCM).

Follow SMNI NEWS in Twitter