Higit 313,000 international arrivals sa bansa, naitala mula Pebrero 10 hanggang Abril 25

Higit 313,000 international arrivals sa bansa, naitala mula Pebrero 10 hanggang Abril 25

PUMALO na sa kabuuang 313,050 ang bilang ng international arrivals sa bansa mula Pebrero 10 hanggang Abril 25, 2022.

Batay ito sa ulat ni Department of Tourism (DOT ) Secretary Bernadette Romulo-Puyat sa Laging Handa public briefing.

Ayon kay Puyat, lagpas na ito sa kanilang target na 300,000 lang.

Pinakamarami aniya sa international arrivals ay galing sa Estados Unidos, sumunod ay mula sa Canada habang ikatlo sa pinakamaraming dumating sa bansa ay mula sa South Korea.

Samantala, binigyan-diin ng kalihim na mahigpit ang kanilang pagbabantay sa mga hotel at resorts sa bansa upang masiguro ang pagsunod sa health and safety guidelines na ginawa ng DOT kasama ang Department of Health (DOH).

Follow SMNI News on Twitter