Higit 36K ng pedia Pfizer COVID-19 vaccine, dumating na sa Pilipinas

Higit 36K ng pedia Pfizer COVID-19 vaccine, dumating na sa Pilipinas

DUMATING na sa bansa ang nasa kabuuang 36,600 doses ng pedia Pfizer vaccine na binili ng gobyerno ng Pilipinas.

Ang naturang mga bakuna ay sakay ng Air Hong Kong Flight LD 456 na lumapag sa Terminal 3 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) pasado alas nuwebe kagabi.

Bahagi ito sa 499,200 na binili ng gobyerno na gagamitin para sa mga bata.

Samantala, muli namang humihiling si National Task Force Against COVID-19 Chief Implementer and vaccine czar Secretary Carlito G. Galvez ng malakas na suporta ng publiko para sa national vaccination program ng pamahalaan na humihikayat sa mga hindi pa nabakunahan na magpaturok at kumuha na ng kanilang mga booster shot.

Ang pahayag ni vaccine czar ay kasunod ng survey na isinagawa ng OCTA Research mula Marso 5-10, 2022 na nagpapakita ng 83% approval rating para sa pandemic response ng gobyerno at 91% willingness rate ng mga Pilipino na mabakunahan laban sa COVID-19.

Sa public address ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ay sinabi ni Galvez na mahigpit na binabantayan ng bansa ang tatlong variant ng Omicron.

Ani pa ni Galvez sa regular na pagpupulong nila ipinakita ni Father Nick Austriaco ang paglitaw ng tatlong variant ng Omicron: dalawa mula sa South Africa at isa sa US.

Pinaniniwalaan din na sa mga variant na ito na kahit isa o lahat ng mga variant na ito ay tatama sa Pilipinas.

Ayon kay Galvez, napansin ng mga eksperto na ang BA.4 at BA.5 na mga variant ng Omicron na sinusubaybayan sa South Africa at Europe ay ang mga umuusbong na variant of concern na maaaring humantong sa global economic at mga panibagong paghihigpit sa paglalakbay.

Dahil dito muling nagpaalala ang kalihim na maaring tataas ang mga kaso ng covid at unang tatamaan ang hindi pa bakunado dahil 95% ng namamatay ani Galvez ay unvaccinated.

Samantala, ngayong araw ang pagdating ng ikalawang batch na 465,600 doses ng Pfizer vaccine sa bansa.

Follow SMNI News on Twitter