Higit 400 indibiwal, nakatanggap ng medical at burial assistance sa Valenzuela

Higit 400 indibiwal, nakatanggap ng medical at burial assistance sa Valenzuela

TULUY-tuloy ang pagbibigay ng serbisyo sa mga residente ng Valenzuela City.

Ngayong araw, Hulyo 6, 2023 ay ginaganap ang pagbibigay ng medical at burial assistance ng tanggapan ng kongresista ng unang distrito sa ilalim ng DSWD Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program sa Wes Events Space, Brgy. Dalandanan.

Ayon sa lokal na pamahalaan ng Valenzuela, 300 ang mabibigyan ng medical assistance at 120 naman ang makatatanggap ng burial assistance.

Sa mga Valenzuelanong nais makatanggap ng serbisyong ito, magtungo lamang sa tanggapan ng kongresista ng unang distrito sa Valenzuela City Trade Center, MacArthur Highway, Malinta o tumawag sa 8352-1000 local 2990.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter