UMABOT sa 1,208 pamilya o 4,606 indibidwal ang naapektuhan ng Bagyong Karding sa bansa.
Batay ito sa ulat ni Defense OIC Senior Undersecretary Jose Faustino Jr. sa pulong balitaan sa NDRRMC sa Camp Aguinaldo, Quezon City.
Nagmula ang mga apektadong residente sa 57 barangay mula sa Cordillera Administrative Region (CAR), Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Bicol Region at National Capital Region (NCR).
Ayon kay Faustino, kasalukuyang tinutulungan ng Department of Interior and Local Government (DILG) at Local Government Unit (LGUs) ang mahigit 2,000 pasahero na stranded sa iba’t ibang pantalan at paliparan.
Sinabi pa ni Faustino na ngayong araw ay inaasahan nila na babalik sa normal ang transportasyon sa mga apektadong lugar sa bansa.