Higit 4K residente ng Makato at Boracay Island, tumanggap ng tulong mula sa tanggapan ni VP Sara

Higit 4K residente ng Makato at Boracay Island, tumanggap ng tulong mula sa tanggapan ni VP Sara

TUMANGGAP ng tulong mula sa tanggapan ni Vice President Sara Duterte ang higit 4K residente ng Makato at Boracay Island.

Bilang bahagi ng 89th Founding Anniversary ng Office of the Vice President, namahagi ang OVP-Panay and Negros Islands Satellite Office ng grocery items.

Umabot sa 4,400 ang gift packs na naipamahagi ng tanggapan ni VP Sara sa mga benepisyaryo na mula sa iba’t ibang sektor kabilang ang ang mga tsuper, vendors, solo parents, at mga katutubong ati.

Kasabay ng pamamahagi ng groceries, tumanggap naman ng tig-P150K na livelihood assistance ang Tamu-an Womens Organization at Dabong Farmers Association na bahagi ng programang mag Negosyo ‘Ta Day ng OVP.

Una namang tiniyak ni VP Duterte na magpapatuloy ang pagtulong ng OVP sa mga Pilipinong nangangailangan sa kabila ng pangambang matapyasan ang kanilang 2025 budget.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble