Higit 5-M doses ng Sputnik V, ido-donate ng Pilipinas sa Myanmar

Higit 5-M doses ng Sputnik V, ido-donate ng Pilipinas sa Myanmar

MAGDO-DONATE ng mahigit limang milyong doses ng Sputnik V vaccines sa Myanmar ang Pilipinas.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kinakailangan din nilang kumuha muna ng clearance mula sa Commission on Audit (COA) at sa Department of Budget and Management (DBM) para maituloy ang pagbibigay ng mga unused vaccine stocks.

Matatandaang nagbabala noon si Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion na nasa P40 bilyong halaga ng COVID-19 vaccines ang nakatakdang ma-expire at masasayang dahil sa bumababang vaccination rate sa bansa.

Samantala bukod sa Myanmar, target din ng gobyerno na mag-donate ng ilang pa-expire nang bakuna sa Papua New Guinea.

Tiniyak naman ng DOH na papalitan ng COVAX Facility ang nasa higit 3.6 million na expired COVID-19 vaccines sa bansa.

Follow SMNI News on Twitter