TINATAYANG nasa mahigit 500 overseas Filipino workers (OFWs) galing ibang bansa ang tumanggap ng Pamaskong Handog mula sa Department of Migrant Workers (DMW).
Ang ‘Pamaskong Handog’ na ginanap sa NAIA Terminal-1 ay pinangunahan ni Secretary Susan Ople.
Bukod pa dito nag pa-raffle din ng tig-P10,000 cash ang DMW.
20 OFWs ang mapalad na tumanggap ng naturang halaga.
Ayon kay OWWA Administrator Arnell Ignacio, tuluy-tuloy pa rin ang kanilang pamamahagi ng ‘Pamaskong Handog’ sa mga dumarating na OFWs sa paliparan ngayong buwan ng Disyembre.