Higit 500k doses ng AstraZeneca vaccine dumating na sa bansa

Higit 500k doses ng AstraZeneca vaccine dumating na sa bansa

DUMATING na sa bansa pasado 9:00 ng umaga ang higit 500k na AstraZeneca vaccine.

Lumapag ang China Airlines Flight CI701 sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 kung saan lulan ang nasa kabuuang 578,000 na mga doses ng AstraZeneca vaccine.

Kasama na sumalubong sa pagdating ng mga bakuna sina Joey Conception ng Go Negosyo at National Task Force (NTF) Against Covid-19 Chief Implementer, Secretary Carlito Galvez Jr, at iba pang opisyal ng Department of Health (DOH).

Mapupunta sa mga private sector ang 575K doses ng bakuna ayon kay Chief Implementer, Secretary Galvez.

Ayon naman kay Joey Conception ng Go Negosyo ang pagdating ng bakuna ngayong araw ay bahagi sa 17-M doses ng AstraZeneca vaccine na binili ng pribadong sektor at Local Government Units (LGU).

Samantala, alas 4:50 ng hapon naman mamaya ang dating ng 15,000 Sputnik V lulan naman ng Qatar Airways Flight QR932, na lalapag sa NAIA Terminal 3.

Habang sa darating na linggo naman Agosto 15, ang dating ng 469,200 doses ng Moderna vaccines na inaasahan lalapag ang Singapore Airlines flight SQ912 alas 3:35 ng hapon sa NAIA Terminal 3 lulan ang mga naturang bakuna.

Sa bilang ng mga bakunang dumating ngayong araw ay nasa 39M doses na ng bakuna kontra COVID-19 ang tinanggap ng Pilipinas.

SMNI NEWS