Higit 50K OFWs, binawi ang repatriation request matapos na maturukan ng COVID-19 vaccine

HIGIT 50,000 overseas Filipino workers (OFWs) na ang naturukan sa ngayon ng bakuna kontra COVID-19 ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III.

Ayon kay Bello, nasa 50,000 hanggang 60,000 na overseas Filipino workers na ang nagkansela ng kanilang request para sa repatriation assistance mula sa pamahalaan matapos na mabakunahan kontra COVID-19.

Ani Bello, sa 500,000 OFWs na humiling ng repatriation, nasa 60,000 na dito ang umatras dahil sa nabakunahan na ang mga ito.

Dagdag ni Bello, hindi pa kasama sa listahang ito ang mga OFWs na frontliners sa England at Germany.

Sa ngayon naman ay nasa 400,000 Filipino migrant workers na ang naiuwi sa bansa magmula nang magkaroon ng COVID-19 outbreak sa buong mundo.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.