Higit 57-K katao, apektado ng pag-alburuto ng Bulkang Kanlaon

Higit 57-K katao, apektado ng pag-alburuto ng Bulkang Kanlaon

MINOMONITOR pa rin ngayon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga pamilya at mga indibidwal na naapektuhan ng pag-alburuto ng Mt. Kanlaon.

Ito ang sinabi ni Assistant Secretary Irene Dumlao ng Disaster Response Management and OSEC Concerns Assistant Secretary at tagapagsalita ng DSWD.

Batay sa pinakahuling tala ng DSWD, mahigit P15.9-M ang financial assistance sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) ang naipamahagi na ng ahensiya sa mga naapektuhan ng pag-alburuto ng Bulkang Kanlaon.

Dagdag pa rito, nakapaghatid rin ang DSWD ng mahigit 17,000 na family food packs bilang inisyal na tulong at augmentation sa mga lokal na pamahalaan.

Sumatotal, mahigit P37.9-M na halaga ng humanitarian assistance ang naipamahagi ng ahensiya.

Ito ay sa pamamagitan ng food packs and food items gayundin ng tulong-pinansiyal under the Individuals In Crisis Situation.

Sa ngayon, mayroong namonitor ang DSWD na 23 na apektadong barangay kung saan may 17,279 na mga apektadong pamilya o katumbas ng mahigit 57,000 na mga indibidwal.

Ito ay sa mga lalawigan ng Negros Occidental at Negros Oriental partikular sa Bago City, La Carlota City, Pontevedra, La Castellana, Canlaon City, at Moises Padilla.

Patuloy pa rin na nakikipag-ugnayan ang DSWD sa mga lokal na pamahalaan upang maipahatid ang kinakailangan pang dagdag na tulong.

“Nakikipag-coordinate tayo sa mga local government units and likewise ‘no doon sa Office of the Civil Defense nang sagayun ma-determine po natin kung ano po iyong mga kakailanganing tulong lalong-lalo nga po para sa mga pamilya na lumikas ng kanilang mga tahanan at kasalukuyan ay pansamantala nga po na naninirahan o nanunuluyan sa mga evacuation centers o doon naman po sa mga tirahan ng kanila pong mga kaanak o mga kaibigan,” ayon kay Asec. Irene Dumlao, Spokesperson, DSWD.

Batay sa pinakahuling advisory ng PHIVOLCS, kasalukuyang nasa Alert Level 2 pa rin ang Bulkang Kanlaon.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble