Higit 6-M ticket para sa Olympic Games Paris 2024, sold out na

Higit 6-M ticket para sa Olympic Games Paris 2024, sold out na

SOLD out na ang 6.8-M o katumbas ng 70% sa 10-M na ticket para sa Olympic Games Paris 2024.

Ikinatuwa naman ito ng pangulo ng Paris 2024 Organizing Committee ng Olympic at Paralympics Games.

Hindi anila inaasahan ang mabilis na pagkakabenta ng mga ticket.

60% sa nabiling mga ticket ay naibenta ng 100 euro.

Mula naman sa 178 na bansa ang nakabili ng ticket.

Ang nangunguna sa sports na may pinakamaraming nabiling ticket ay ang football, basketball, handball, athletics, at volleyball.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter