Higit 600 indibidwal, naapektuhan ng Bagyong Karding –NDRRMC

Higit 600 indibidwal, naapektuhan ng Bagyong Karding –NDRRMC

UMABOT sa 164 pamilya o 653 indibidwal ang naapektuhan sa pananalasa ng Bagyong Karding sa bansa.

Batay ito sa datos ng NDRRMC ngayong Lunes, Setyembre 26.

Nagmula ang mga apektadong residente sa 28 barangay sa Cagayan Valley, Mimaropa, Bicol Region, Western Visayas at Cordillera Administrative Region (CAR).

Habang 682 pamilya o 2,444 indibidwal ang naunang inilikas sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Calabarzon, Mimaropa at Western Visayas.

Samantala, 147 pamilya o 590 indibidwal ang sumisilong sa 34 na evacuation centers at ang iba ay tumutuloy sa kanilang mga kaanak at kaibigan.

Follow SMNI NEWS in Twitter