MAHIGIT 600 pamilyang nasunugan ng bahay ang tinulungan ng Office of the Vice President (OVP) sa Isla Puting Bato sa Tondo, Maynila.
Tumungo ang OVP Disaster Operations Center sa Delpan Sports Complex sa nasabing lungsod kung saan kasalukuyang tumutuloy ang mga nasunugan.
Nasa kabuuang 673 pamilya ang nakatanggap ng relief bags (RBs) mula sa OVP.
Sa kasalukuyan, patuloy na iniimbestigahan ang naging sanhi ng sunog na nangyari nitong Abril 10.