Higit 600K tricycle driver, nakatakdang tumanggap ng subsidiya mula sa pamahalaan – DILG

Higit 600K tricycle driver, nakatakdang tumanggap ng subsidiya mula sa pamahalaan – DILG

HANDA na ang Department of Local Government (DILG) na ipamahagi ang ayuda sa mga tricycle driver sa ilalim ng Pantawid Pasada Program.

Ayon sa ahensiya, aabot sa 617,806 tricycle drivers ang makatatanggap ng fuel cash subsidy.

“The Department of the Interior and Local Government (DILG) today said that a total of 617,806 qualified tricycle drivers nationwide are set to receive their fuel cash subsidy under the “Pantawid Pasada Program for Tricycle Drivers” to help ease their burden brought about by soaring pump prices and the pandemic,” pahayag ng ahensiya.

Sinabi naman ni DILG Secretary Eduardo Año, tatlong pamamaraan ang pupuwedeng pagpilian ng mga drayber sa pagkuha ng kanilang mga ayuda.

Una na rito ay sa pamamagitan ng E-wallet, Landbank of the Philippines o on-site payroll sa iba’t ibang lokal na pamahalaan.

“The fuel subsidy will be disbursed by the Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) either through the beneficiaries’ e-wallet accounts, branches of the Landbank of the Philippines, or off-site payout by the local government units (LGUs),” pahayag ni Año.

Pagbibigaydiin pa ng kalihim, ang pamamaraan ng gobyerno sa pamamagitan ng ayuda ay bilang malasakit sa mga kababayan na apektado dulot ng sunod-sunod na pagtaaspresyo ng krudo.

Sa datos ng DILG, nasa 67, 536 benepisyaryo ang makatatanggap mula sa Region 1, 31,638 naman sa Region 2, habang nasa 83,621 sa Region 3 at 162,500 naman sa CALABARZON.

Kabilang din ang sa MIMAROPA na nasa halos 30,340, habang nasa 35,339 ang sa Region 5 at nasa 59,280 naman sa Region 6.

Nasa 11,685 naman sa Region 7, maging sa Region 8 ay nasa 6,448, habang nasa 9,869 sa Region 9 at 8,760 naman sa Region 10.

Halos nasa 8,793 naman sa Region 11, habang 21,685 sa Region 12, halos 6,869 sa Caraga, nasa 68,165 benipisyaryo ang mayroon sa National Capital Region, 5,040 sa CAR at 238 naman sa BARMM.

Siniguro naman ng DILG na ang nasa master list ay kwalipikadong makatanggap ng P6,500 fuel subsidy mula sa gobyerno, pero sa ngayon ay hinihintay na lang ng ahensiya ang abiso na magmumula sa LTFRB upang masimulan agad ang distribusyon.

Samantala, pinamamadali naman ng ilang tricycle driver ang distribusyon ng ayuda upang sa ganon ay makatulong sa araw-araw na gastusin sa langis.

Follow SMNI News on Twitter