PUMALO na sa mahigit 66.85 milyong indibidwal ang fully vaccinated laban sa COVID-19.
Ayon sa Department of Health (DOH), 74.28 percent ito ng target population.
Sa bilang ng fully vaccinated, sinabi ng DOH na 12.6 milyong indibidwal na dito ang nakatanggap ng booster shots kung saan 164,407 ang naturukan noong Abril 11 hanggang 17.
6.6 milyong senior citizens o 76.14% naman ng target A2 population ang nakatanggap na ng kanilang primary series.
Samantala, nakapagtala ang DOH ng 1,674 na bagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas mula Abril 11 hanggang 17.
Ayon sa DOH, ang average na bilang ng bagong kaso kada araw ngayong linggo ay nasa 239, mas mababa ng 12 percent kung ikukumpara sa mga kaso noong Abril 4 hanggang 10.
Sa mga bagong kaso, 1 sa mga ito ang may malubha at kritikal na karamdaman.
Mayroon namang naitalang 200 na pumanaw kung saan 43 ay naganap noong Abril 4 hanggang 17.
Noong Abril 17, sinabi ng DOH na mayroong 664 na malubha at kritikal na pasyente na naka-admit sa mga ospital dahil sa COVID-19.
Sa 2,842 ICU beds para sa mga pasyenteng may COVID-19, 450 o 15.8% ang okupado habang 16.9% ng 24,645 non-ICU COVID-19 beds naman ang kasalukuyang ginagamit.