Higit 67.91M indibidwal, fully vaccinated na kontra COVID-19 –DOH

Higit 67.91M indibidwal, fully vaccinated na kontra COVID-19 –DOH

PUMALO na sa mahigit 67.91 milyong indibidwal ang fully vaccinated kontra COVID-19 hanggang April 22, 2022.

Ayon sa Department of Health (DOH), 75.45 percent ito ng target population.

Sa bilang ng fully vaccinated, sinabi ng DOH na 13.2 milyong indibidwal na dito ang nakatanggap ng kanilang booster shots kung saan 292,369 ang naturukan noong Abril 25 hanggang Mayo 1.

Sa kabilang banda, 6.6 milyong senior citizens o 76.48% ng target A2 population ang nakatanggap na ng kanilang primary series.

Follow SMNI News on Twitter