PINANGUNAHAN ni Philippine National Police (PNP) chief Police General Benjamin Acorda, Jr. ang pagsira sa 7,612 captured, confiscated, surrendered, deposited, abandoned, and forfeited firearms (CCSDAF).
Ito ay bilang bahagi ng demilitarization upang matiyak na hindi magagamit ang mga armas sa maling paraan.
Ang nasabing aktibidad ay pinangasiwaan ng PNP Logistics Support Service sa PNP Grandstand, Camp Crame.
Sa talumpati ni Acorda, binigyang-diin nito ang kahalagahan ng pagsira sa mga armas upang hindi mapasakamay ng mga kriminal at magamit sa karahasan.
Layunin din aniya nito na masiguro na magiging ligtas ang mga komunidad at naipatutupad ang batas at ang kaayusan.
Ang scrap at waste materials mula sa demilitarization process ay isasailalim sa bidding process at ang kikitain ay gagamitin sa iba pang programa ng pulisya.