Higit 7M dosis ng COVID-19 vaccines, nakatakdang dumating ngayong araw sa bansa

PANIBAGONG batch ng milyun-milyong COVID-19 vaccines, nakatakdang dumating ngayong araw sa bansa.

Nasa kabuuang 7,349,350 doses ng ibat ibang brand ng COVID-19 vaccines ang nakatakdang dumating ngayong araw sa bansa mula COVAX.

Unang lalapag ng alas kwatro ng hapon sa Terminal-3 ng Ninoy Aquino International Airport ang 214,500 dosis ng AstraZeneca na donasyon ng UK government.

Susundan naman ito ng magkakahiwalay na pagdating ng 3,696,900 doses ng Moderna vaccine na donasyon ng German government.

Sa bilang na ito ang 856,800 doses ay darating ng alas kwatro diyes ng hapon at ang 2,840,100 doses naman ay darating sa NAIA Terminal -3  ng alas diyes kinse mamayang gabi.

Darating din ang 1,187,550 doses ng Pfizer vaccine ng pasado alas nueve mamayang gabi.

Ang mga naturang bakuna ay binili ng gobyerno ng Pilipinas na magkakahiwalay na darating sa bansa.

Ang 1,082,250 doses ng Pfizer ay dideretso sa Pharmaserv at ang 105,300 doses ay idideretso ng Davao bukas ng umaga.

Alas 9:45 mamayang gabi ang pagdating ng 2,249,400 doses ng AstraZeneca na binili naman ng pribadong sektor.

Matatandaan kahapon higit 8.2 milyong dosis ng COVID-19 vaccines ang dumating sa bansa na pawang mga donasyon mula sa COVAX.

Huling dumating kagabi ang nasa kabuuang 2,011,200 doses ng J&J vaccine sa NAIA Terminal -3.

Ang mga dumating na bakuna ay gagamitin para sa National Vaccination Day.

SMNI NEWS