DUMATING na sa bansa ang nasa kabuuang 864,000 pedia doses Pfizer vaccine sa bansa.
Ang mga naturang bakuna ay lulan ng Air Hong Kong (DHL) Flight LD 456 na lumapag sa NAIA Terminal-3 alas nuebe kagabi.
Ang mahigit 800,000 na bakunang dumating ay ang unang batch para sa kabuuang 2 milyong doses na donasyon ng Australian government.
Ang 2nd batch at 3rd batch ay inaasahan na darating sa NAIA ngayong Huwebes at Biyernes.