Higit 800,000 pisong halaga ng marijuana, sinunog sa Benguet

Higit 800,000 pisong halaga ng marijuana, sinunog sa Benguet

NAGSAGAWA ng operasyon ang pulisya sa dalawang taniman ng marijuana sa Tacadang, Kibungan, Benguet.

Sa ulat kay PNP OIC PLtGen. Vicente Danao Jr. sinunog ang 880 fully-grown marijuana plants, 1,600 piraso ng marijuana seedlings at 4 kilo ng marijuana stalks na nagkakahalaga ng 848,000 piso.

Wala namang marijuana cultivator ang nahuli sa magkahiwalay na operasyon.

Pero nagsasagawa na ng follow-up investigation ang pulisya.

Iginiit naman ni General Danao na magsilbing babala sa mga nasasangkot sa iligal na gawin ang ginawang operasyon sa lugar.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter