HIGIT 880 shipping container vans na naglalaman ng saku-sakong imported na bigas ang ilang buwan nang nakatengga sa mga pantalan sa Maynila.
Hinala ni PPA General Manager Jay Santiago na kalahati sa mga container van na ito ay inilalabas lamang ng mga consignee tuwing tumataas ang presyo ng bigas sa merkado.
Posible rin umano na ikonsiderang hoarding ang ginagawa ng mga consignee dahil matagal na umano itong nabigyan ng clearance ng Bureau of Customs at BIR para ilabas na sa mga pantalan.