Higit isang libong mag-sing irog, ikinasal sa Kasalan Bayan ng QC

Higit isang libong mag-sing irog, ikinasal sa Kasalan Bayan ng QC

UMABOT sa isang libo na bilang ng nagmamahalan mula sa district 5 ng Quezon City ang ikinasal ng Kasalan Bayan 2024 na handog ni QC Mayor Joy Belmonte.

Kahapon ng Linggo, Pebrero 18 ay ikinasal ni Mayor Belmonte ang 1,036 na mag-asawa bilang marriage officiant na ginanap sa  garden wedding sa QCX Museum.

Ito rin ang commitment ceremony para sa 210 LGBTQIA+ couples sa town hall.

Ang kanilang mga naging pangalawang magulang o ninang at ninong ay sina District 5 Action Officer William Bawag, Coun. Alfred Vargas, Coun. Shay Lebanon, Coun. Joseph Visaya, at Atty. Lofranco ng Civil Registry Department ng lungsod.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble