SA kulungan ang bagsak ng isang high-value individual matapos masakote sa buy-bust operation sa Dasmariñas City, Cavite.
Sa ulat kay Police Regional Office (PRO) 4A Regional Director PBGen. Paul Kenneth Lucas, kinilala ang babaeng suspek na si alyas Jerwin, 35 taong gulang.
Kabilang ang suspek sa drug watch list ng Cavite Police Provincial Office (PPO).
Nasamsam ng pulisya ang nasa 150 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng mahigit P1-M.
Pinuri ni BGen. Lucas, ang mga pulis-CALABARZON sa matagumpay na operasyon at pinasalamatan ang suporta ng publiko sa pagsugpo ng ilegal na droga sa rehiyon.