Higit P11-M tulong, naibigay sa mga naapektuhan ng Bagyong Betty—NDRRMC

Higit P11-M tulong, naibigay sa mga naapektuhan ng Bagyong Betty—NDRRMC

UMABOT sa P11.2-M ang halaga ng naibigay na tulong ng gobyerno sa mga naapektuhan ng Bagyong Betty sa bansa.

Ayon kay NDRRMC spokesperson Assistant Secretary Raffy Alejandro, nagmula ang tulong sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), local government units (LGUs) at Office of Civil Defense (OCD).

Kabilang sa naiabot na tulong ay ang family food packs, hygiene kits, inuming tubig, shelter packages at tents.

Habang may mga nakatanggap din ng financial assistance na magagamit sa pagbangon ng apektadong residente.

Pinasalamatan naman ni OCD administrator, Undersecretary Ariel Nepomuceno ang iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan sa maagang paghahanda sa bagyo upang matiyak ang kaligtasan ng mga komunidad lalo na ang high-risk areas.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter