Higit P218-M halaga ng shabu, nasabat sa isang warehouse sa NAIA

Higit P218-M halaga ng shabu, nasabat sa isang warehouse sa NAIA

BIGONG makalusot ang nasa 32 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng mahigit P218-M sa Pair Cargo Warehouse sa lungsod ng Pasay araw ng Miyerkules.

Ito ay matapos matuklasan ng Bureau of Customs at NAIA-PDEA ang laman ng parcel na ideklarang machinery muffler.

Dumaan sa X-ray machine at physical examination ang parcel kung saan inilagay sa loob ng makapal na bakal o machinery parts ang hinihinalang shabu.

Arestado ng mga awtoridad ang babaeng claimant na kinilalang si Christine Tigranes.

Depensa ng suspect, inutusan lang daw siya ng kaniyang boss para kunin ang naturang parcel mula Zimbabwe, Africa.

Nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga awtoridad kung sinu-sino ang mga sangkot sa tangkang pagpupuslit ng mga ilegal na droga papasok sa bansa.

Nahaharap naman ang suspect sa kasong paglabag sa RA Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble