SINALAKAY ng Police Regional Office-Central Visayas ang isang hinihinalang drug laboratory sa Brgy. Zapatera, Cebu City Lunes ng hapon, Hunyo 30, 2025.
Sa pahayag ng mga pulis, sinalakay nila ang naturang laboratory matapos nahuli ang isang suspek sa isang hiwalay na operasyon noong Biyernes, Hunyo 27 at itinuro ang lugar.
Sa pagsalakay ay nakuha ng mga awtoridad ang iba’t ibang kemikal na nasa anyong powder at likido, mga walang lamang kapsula, mga makina at iba pang kagamitan na pinaniniwalaang ginagamit sa paggawa ng party drugs.
May nakuha ring isang cal. 38, 9mm pistol, dalawang M202 grenade, at isang fragmentation grenade.
Samantala, nasa P2.2M na halaga ng assorted drugs ang nakuha mula sa naarestong suspek noong Biyernes.