Higit P3.4-M halaga ng shabu, baril nakumpiska ng PDEA-BARMM

Higit P3.4-M halaga ng shabu, baril nakumpiska ng PDEA-BARMM

MAHIGIT sa P3.4-M na halaga ng shabu, isang 9MM pistol, magazine na may 10 bala, isang Suzuki minivan, identification card, mga cellphone at iba pang mga drug paraphernalia ang nakumpiska ng Philippine Drug Enforcement Agency-Bangsamoro Autonomous Region and Muslim Mindanao (PDEA-BARMM) sa Maguindanao.

Ito’y matapos ang isinagawang drug buy-bust operation ng PDEA-BARMM, PDEA-BARMM K9 Unit at iba pang tropa ng pamahalaan sa Brgy. Simuay Crossing, Sitio Abubakar, Sultan Kudarat na nagresulta sa pagkadadakip ng mag-asawang high-value target na sina Samera Bangon Osmeña/Samera Osmeña Usman o mas kilala sa Samera “Baby” Osmeña, at mister nitong si Laguiamuda Saidama Samama alyas Damin na pawang recruiter.

Ang mag-asawa ay nasa kustodiya na ngayon ng PDEA-BARMM jail facility habang inihahanda ang isasampang kaso ay paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Illegal Possession of Firearms and Ammunition.

Batay sa report ng PDEA-BARMM kay Director Gen. Moro Vergelio Lazo, ang mga suspek ay nagsusuplay at nagpapakalat ng ilegal na droga sa Cotabato City, General Santos City, at Davao City.

Sinasabing ang mag-asawa ay dati nang nasangkot sa pagbebenta at naharap sa kasong paglabag sa Illegal Drugs Act noong mga nakaraang taon.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble