NAG-donate ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) ng nasa 78K board feet ng lumber o mga tabla para sa mga biktima ng sunod-sunod na bagyo sa Batanes at Cagayan.
Nagkakahalaga ito sa kabuuan ng P4.6M. Partikular na gagamitin ito para sa repair at reconstruction ng mga nasirang bahay sa Basco, Itbayat, Ivana, Mahatao, Sabtang, at Uyugan sa Batanes.
Sa Cagayan ay gagamitin naman ang ibinigay na mga tabla sa rehabilitasyon ng mga paaralan sa 2nd District.
Nagtulong-tulong para dito ang DENR, Office of Civil Defense, Philippine Navy, Philippine Air Force, at Philippine National Police.