NAKUMPISKA ng mga tauhan ng PNP Drug Enforcement Group (PDEG) ang P67.3-M halaga ng hinihinalang shabu.
Ito ay matapos ang matagumpay na interdiction operations sa Philippine Airport and Ground Services, Inc., NAIA Complex, Pasay City.
Ayon kay PDEG director Police Colonel Dionisio Bartolome Jr., naaresto sa nasabing operasyon ang isang beautician na kinilalang si Gayzel Marie Reyes Sabile, 40 taong gulang at residente ng Sta. Ana, Manila.
Tumitimbang ng 9,898 gramo ang nakumpiskang ilegal na droga sa suspek.
Isasailalim sa documentation at proper disposition ang suspek at ang mga nakuhang ebidensiya.
Naging posible ang operasyon sa pagtutulungan ng Ninoy Aquino International Airport Interagency Drug Interdiction Task Group (NAIA-AIDITG) kung saan isa sa mga miyembro ang PDEG.