INIULAT nitong Martes, Enero 14, 2025 ng Bureau of Customs (BOC) ang pagkakasabat ng higit sa P72M halaga ng shabu sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.
Sa isinagawang operasyon ng BOC-NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group noong Enero 6, 2025, nagawa nilang maharang ang aabot sa higit 10K gramo ng shabu na nakalagay sa isang inbound luggage.
Sa kanilang isinagawang imbestigasyon, galing sa isang pasahero mula South Africa ang inabandonang bagahe at nag-stopover sa Doha, Qatar bago lumapag dito sa Maynila.
Isinilid naman ang mga nasabat na ilegal na droga sa improvised pouch na inilagay sa limang handbags, apat na file organizer bags, at isang portfolio bag.
Agad naman iti-nurn over sa PDEA ang nasabat na droga para sa proper handling at karagdagang imbestigasyon sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Customs Modernization and Tariff Act.