Higit P83-M halaga ng nakumpiskang iligal na droga, winasak sa Cebu City

Higit P83-M halaga ng nakumpiskang iligal na droga, winasak sa Cebu City

SINIRA ng Philippine Drug Enforcement Agency-Central Visayas (PDEA-7) ang mahigit P83 milyong halaga ng iligal na droga sa Cebu City.

Isinagawa ang pagsira sa mga nakumpiskang iligal na droga sa pamamagitan ng thermal facility ng Cosmopolitan Funeral Homes sa lungsod.

Ayon sa datos ng PDEA-7, kabilang sa sinira ang P83.6 milyong halaga ng shabu, P231,000 halaga ng marijuana leaves at P14,000 halaga ng Nubain.

Ang mga sinira ay mga ginamit bilang ebidensya sa mga court case at ngayon ay may inisyu ng court order para sa pagsira ng mga ito.

Sinabi ni PDEA-7 Director Levi Ortiz na ang pagwasak sa mga nakumpiskang iligal na droga ay upang maalis ang mga pagdududa na maaring irecycle ang mga ito.

Follow SMNI News on Twitter