Higit P85,000 halaga ng marijuana mula Canada, nasabat ng BOC at NAIA-PDEA

Higit P85,000 halaga ng marijuana mula Canada, nasabat ng BOC at NAIA-PDEA

NASABAT ng pinagsanib na puwersa ng Bureau of Customs-NAIA (BOC-NAIA), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), at NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG) ang nasa higit P85, 000 halaga ng marijuana sa Central Mail Exchange Center kahapon sa Pasay City.

Nadiskubre ang mga iligal na produkto sa physical examination sa window ng CMEC na sinaksihan ng claimant, BOC, at Philpost representatives.

Sa loob ng package ng EMS, kasama ang mga tsokolate, kosmetiko, at damit, natagpuan din ang hindi idineklarang 20 pouch na cannabis infused gummy at 49 na THC vape cartridge.

Sa  inisyal  field test na isinagawa ng Customs Anti-Illegal Drug Task Force (CAIDTF NAIA) na ang gummies at ang vape cartridges ay naglalaman ng cannabinoid, isang kemikal na compound na matatagpuan sa cannabis o kilala rin bilang marijuana.

Pagkatapos nito, ang mga nasamsam na gummies at vape cartridges ay agad na dinala sa PDEA Chemical Laboratory para sa karagdagang quantitative at qualitative tests.

‘’Well itong mga substance na ito ay dumaan sa x-ray…na kiniclaim naman ng isang tao,’’ayon kay Gerald Javier Investigation Agent 3, Deputy Task Group commander.

Naaresto ang claimant ng package na idineklara bilang “personal gifts and clothing” na kinilala bilang si “Elvira Vicente” na nagpakita ng authorization letter mula sa consignee.

Isang Vincent Castillo naman ang consignee ng package na mula pa sa Canada.

Ipinaalala ng PDEA sa publiko na ang cannabis, THC o anumang derivatives sa anumang anyo na naglalaman ng nasabing substance ay inuri bilang isang mapanganib na gamot sa ilalim ng Republic Act no. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at ang hindi awtorisadong pag-angkat, pagbebenta, pagmamay-ari, pagtatanim, at paggamit.

‘’Unang-una po our task group remain very vigilant… in line po our president directives,’’saad nito.

Ayon sa PDEA first time lang nangyari ngayong taon na naharang ang ganitong uri ng droga na nilalagay sa candies at cartridges.

SMNI NEWS