Higit P9-M smuggled na sigarilyo, nakumpiska sa Zamboanga City

Higit P9-M smuggled na sigarilyo, nakumpiska sa Zamboanga City

NAKUMPISKA ang higit sa P9-M mga smuggled na sigarilyo matapos ang operasyon ng mga otoridad sa Manilapa Island, Zamboanga City.

Sa ulat kay PNP OIC PLtGen. Vicente Danao Jr. naharang ng mga otoridad ang isang blue motorized wooden watercraft na tinatawag ding “Jungkong” sakay ang 275 master cases at 32 reams ng Fort smuggled cigarettes.

Nagkakahalaga ng mahigit P9.6 milyon ang mga smuggled na sigarilyo.

Naaresto ang 10 indibidwal na kinilalang sina Edzar Aharaji; Jacob Alvarez; Aldimar Daniel; Rasdi Altalad; Juning Ibrahim; Samoudi Jamlul; Hussam Najir; Aluomar Asari; Almakrin Ayub; at Alnisar Jul.

Nasa kustodiya na sila ng Bureau of Customs (BOC) kasama ang mga nakuhang ebidensya.

Tiniyak naman ni General Danao na gumagawa sila ng paraan upang maprotektahan ang business sector at consumers laban sa mga indibidwal na iligal na nagbebenta ng produkto.

Follow SMNI NEWS in Twitter