KINATAY ang nasa higit 4,000 na itik sa Mlang, Cotabato matapos na kumalat ang bird flu virus sa 6 sa 37 na lugar sa bayan ng nabanggit na lugar.
Sinabi ni Mlang Municipal Agriculturist Arlene Encarnacion, naunang na-detect ang virus sa barangay ng Bialong at Legapa ngunit ngayon ay kumalat na ito sa New Antique, Dugong, Bagontapay, at Buayan.
Ani Encarnacion, napag-alaman na ang blood samples ng mga ibon mula sa 4 na barangay ay positibo sa avian flu virus at inilibing na ito sa Barangay Tibao.
Ayon sa agricultural office, mayroong 110 flocks ng itik ang bayan at nasa 100,000 na ibon ang kabuuan nito.