Hiling na pagtaas ng presyo ng Pinoy Pandesal, patuloy pang pinag-aaralan ng DTI

Hiling na pagtaas ng presyo ng Pinoy Pandesal, patuloy pang pinag-aaralan ng DTI

PATULOY pa ang isinasagawang pag-aaral ng Department of Trade and Industry (DTI) sa hiling na taas-presyo sa Pinoy Tasty at Pinoy Pandesal ng Philippine Baking Industry Group (PhilBaking).

Ayon kay Trade Undersecretary Carol Sanchez, pinag-aaralan ng DTI Consumer Protection Group ang naturang hiling na P4 na taas-presyo.

Gayunman, naniwala si Sanchez na posibleng hindi maibigay sa ngayon ang P4 dagdag-presyo ng tinapay dahil sa hindi na ito affordable sa mga mamimili.

Ngunit aniya, posible pa ito kung ibababa sa P2 ang naturang taas-presyo.

Follow SMNI NEWS in Twitter